Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2015

Perplexity

8:28 AM, 18th of October Ginusto ko to eh. Pero bakit parang pinagsisisihan ko? Ano ba yan. Lagi na lang akong nacoconfuse. Lagi na lang kasi akong nagpapadalos-dalos sa mga desisyon ko. Wala man lang akong isang salita. Sabi ko sa kanya, he's worth the risk. Pero bakit ngayon taliwas na itong nararamdaman ko sa mga pinaggagagawa kong desisyon? Nadala lang ba ako sa konsensiya at pressure? Noon, hindi. Pero ngayon, parang oo na. Hindi ko lang niloloko ang sarili ko kundi halos lahat ng tao sa paligid ko. What to do?

#BuhaySSC

6:55 PM, 13th of October Now you got an idea how hard my situation is. I'm an SSC student–Special Science Class. Grabe! Ang hirap. Pero ikatlong taon ko na 'to, ngayon pa ba ako susuko? Of course not! Nakaya ko nga nang higit sa dalawang taon, kakayanin ko tong natitirang higit isang taon pa. Kaso minsan, nakakapagod na talaga–physically, metally and emotionally. Parang ngayon, ang dami kong ihahabol dahil sa pagpunta namin sa THNHS for the Sci Quest. Buti na lang at karamihan sa mga teachers namin ay considerate. Haay! Sana lang at mataas ang makuha ko sa apat na quizzes namin bukas. Okay. Got to go. Magrereview pa ako.