Mahal Kita ๐Ÿ’™

Oo, gustong-gusto kita
Pero sandali lang
Puso koโ€™y kontra yata
Ayaw yatang maniwala
Di lang daw gusto, sabi niya
Ito raw ay mas malalim pa
Ngunit kay bilis, hindi ba?
Parang ang imposible
Hindi kapani-paniwala
Mga katagaโ€™y kaduda-duda
Pero parang tama
Maaari, hindi ba?
Itoโ€™y may tiyansa
Hintay, sandali lang
Akoโ€™y gulong-gulo pa
Pag-iisipan ko muna
Ano nga bang nadarama?
Ano nga ba talaga?
Heto na, aamin na
Ito na nga, oo na
Mahal na yata kita
Hindi. Sandali, mali

Mahal na talaga kita. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Monologo ni Sisa

Isang Baso ng Tubig

Anekdota ng Aking Pag-ibig