Monologo ni Sisa

Ako si Sisa, isang simpleng maybahay. Palagi akong minamaltrato ng aking asawa ngunit wala akong magawa. Mahal ko siya. Hindi ko siya kayang iwanan ngunit natatakot din ako sa kanya. Pero nandiyan naman ang mga anghel ko, sina Crispin at Basilio. Mababait sila at mapagmahal. Bilang isang ina’y maipagmamalaki ko sila!

                Oo nga pala! Uuwi ngayon mula sa kumbento ang aking mga anghel. Kamusta na kaya sila? Nakababasa na kaya sila? Halos isang linggo ko rin silang hindi nakita. Mabuti pa at ipagluluto ko sila. Naku! Paniguradong gutom na gutom ang mga iyon.

                Pagkatapos kong maihain ang hapunan, dumating ang aking asawang si Pedro. Kinain niya ang mga ipinagluto ko at wala na naman akong nagawa para pigilan siya. Kaawa-awa naman ang mga anghel ko. Anong gagawin ko? Walang madadatnang pagkain sina Crispin at Basilio.

                Sandali… may tumatawag sa akin. Si Basilio iyon! Diyos ko po! Bakit puno ng sugat ang panganay ko? Si Crispin? Nasaan siya? Nasaan ang kapatid mo, Basilio? Bakit ganyan ang ayos mo? Nasaktan ka ba? Anong nangyari sa inyo ng kapatid mo?

                Nagpunta ako sa kumbento kinaumagahan. Tao po? Tao po? Padre? Maari ko po bang Makita ang anak kong si Crispin? Ano? Anong pinagsasabi nila? Ang aking Crispin, isang kawatan? Ang aking Basilio, isang kriminal? Hindi iyon totoo! Mahirap man kami ngunit marangal ang aming pamumuhay. Gusto kong ipagtanggol ang aking mga anak ngunit wala akong magawa. Isa lamang akong babae, mangmang at walang pinag-aralan.

                Nang dumating ako sa bahay ay wala si Basilio at naroon ang dalawang gwardiya sibil. Tinatanong nila ako tungkol sa aking mga anak. Pinipilit nila akong sumagot ngunit wala naman akong masasagot. Hindi ko pa nakikita si Crispin. Hindi ko na alam kung nasaan si Basilio. Pinapunta ako sa isang lugar kung saan may itatanong pa sila sa akin. Isa itong kahihiyan! Para akong kriminal!

                Crispin? Basilio? Mga anak nasaan kayo? Ah! Alam ko, ipagluluto ko kayo ng handaan at kakantahan ko kayo ng kundiman. Crispin? Basilio? Nasaan na kayo? Umuwi na kayo. Crispin? Basilio? Umuwi na kayo mga anak, gusto niyo bang mag-alala ang inyong ina? Crispin! Basilio!

Nasaan na ang mga anak ko? Crispin, Basilio… Ikaw, nakita mo ba ang mga anak ko? Baka napansin mo sila… maari bang sabihin mo sa akin kung nasaan sila? Parang awa mo na, Ginoo... ituro mo… maawa ka na sa akin.


Crispin! Basilio! Mga anak ko!

Mga Komento

  1. sobrang nakatulong to' thanksss🧡

    TumugonBurahin
  2. Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Isang Baso ng Tubig

Anekdota ng Aking Pag-ibig