Bituin ✨

Kagalang-galang at minamahal kong guro
Sana'y naaalala mo pa ako
Iyong mag-aaral mong hindi na natuto
Hindi sa'yo kundi sa buhay niyang paliko-liko.

Ang tulang ito'y inaalay ko sa iyo
At nagpapasalamat na rin ako
Sa bawat pangaral mong dala-dala ko
At sa pag-intindi mo dito sa sitwasyon ko.

Maraming salamat po sa pagtanggap niyo
Sa mga kalakasan at bawat kahinaan ko
Maraming salamat po sa paniniwala niyo
Na magiging maayos at maganda ang bukas ko.

Hayaan niyo po't hindi ko kayo bibiguin
Mag-aaral akong mabuti nang makamit mga mithiin
Balang araw, ako'y kanilang titingalain
Tulad po ng sabi niyo, ako'y magiging isang bituin.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Monologo ni Sisa

Isang Baso ng Tubig

Anekdota ng Aking Pag-ibig