BIRO

Si Pepe ay mahilig magbiro. Kahit anong oras o kahit saan man, palagi niyang binibiro ang kaniyang mga kaibigan.

Noong isang araw, biniro niya ang isa sa kaniyang mga kaibigan. Sinabi ni Pepe na hinahanap ng kaniyang ina ang kaibigan niya sapagkat itinakbo umano sa hospital ang ama nito.

Nang marinig ito, dali-daling lumiban sa kanilang klase ang kaniyang kaibigan. Natuklasan ng kaibigan niya na hindi pala ito totoo at bumalik siya ng paaralan ngunit sa kasamaang palad, nalaman ng kanilang guro na siya ay nag-cutting classes kaya't naparusahan ito.

Dahil sa kaugaliang ito ni Pepe, naisipan ng mga kaibigan niyang biruin din siya ngunit palaging hindi kumakagat sa kanilang mga biro si Pepe.

Isang araw, may nakapagsabi kay Pepe na naaksidente raw ang kaniyang mga magulang at nag-aagaw buhay na ang mga ito. Sa pag-aakalang isa lamang ito sa mga biro ng kaniyang mga kaibigan, ipinagsawalang bahala niya ito.


Pagkarating niya sa bahay nila noong araw na iyon, naroon ang dalawang bangkay na pinaglalamayan na. Kawawang Pepe, ang laging nagbibiro ay nabiro ng tadhana.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Monologo ni Sisa

Isang Baso ng Tubig

Anekdota ng Aking Pag-ibig