Isang Baso ng Tubig

Napakaliwanag ng buwan ngayong gabi. Saktong-sakto sa selebrasyon ng kaarawan ng aking kaibigan. Ipinagpaalam ko naman ito sa aking nanay at siya'y pumayag naman.


Pagpatak ng alas syete ng gabi ay handa na ako. Nakasuot ako ng isang simpleng pulang damit at ipinusod ko ang aking buhok. Tiningnan ko ang aking repleksiyon sa salamin at ako'y nakontento naman.


Ilang sandali lamang ay narinig ko na ang busina ng sasakyan ng aking kaibigan na siyang susundo sa akin. Tinawag ko ang aking ina upang magpaalam ngunit imbes na hayaan akong umalis ay nagpakuha muna siya ng isang basong tubig. Bumusinang muli ang kotse kaya't tumanggi akong kumuha ng tubig at nagmamadaling lumabas at sinalubong ang aking mga kaibigan.


Buong gabi ay nagsaya kami. Kami ay nagsayaw at nagkantahan. Nagpakasaya kami nang parang wala ng bukas. Pagod na pagod ako pagkarating ko sa bahay ng hatinggabi.


Nang makapasok ako sa bahay ay dumiretso ako sa silid ng aking ina upang sabihing nakarating ako nang matiwasay. Ngunit ang nakapagtataka ay wala siya rito. Hinanp ko siya sa sala at pati na rin sa banyo ngunit wala. Isang parte na lang ng bahay ang hindi ko nakikita at iyon ay ang kusina.


Pagtapak ko sa kusina ay umalingawngaw ang aking sigaw. Sa sahig ng kusina ay nakahandusay ang walang buhay na katawan ng aking ina at sa tabi niya ay isang baso ng tubig.

Mga Komento

  1. What Is Baccarat and How Do I Play it? - FEBCASINO
    With Baccarat, you play a combination of 카지노 three possible outcomes of a game called baccarat. This two-way game can be played 제왕카지노 with either a 바카라사이트 standard deck of cards or

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Monologo ni Sisa

Anekdota ng Aking Pag-ibig