For Hannah

Baliw, 'yan tayo 'pag magkasama
Kung ano-anong ating nagagawa
Wagas tayo kung makatawa
At parang wala nang bukas pa.

Napakalakas nating magtrip
At kahit ano lang ang naiisip
Magkasama tayo sa kahit na ano
Partners in crime nga talaga tayo.

Pinakilala mo ako sa Red Velvet
Pinarinig mo sa'kin ang Black Pink
Pinasayaw mo ako ng TWICE
Pinakita mo sa akin ang NCT.

Hindi na lang kita basta kaibigan
Best friend? Hindi lang din 'yan.
Itinuturing na kitang parang pamilya
Sa totoo lang ay parang kapatid na.

Salamat sa ating mga alaala
Hiling ko'y sana madagdagan pa
Hindi naman imposible, 'di ba?
Sapagkat tayo' magtatagal pa.

Bes, wala sanang makakalimot
Kahit mawalay tayo sa isa't-isa
Ito'y pakatatandaan mo sana
Ika'y 'di nag-iisa at minamahal kita.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Monologo ni Sisa

Isang Baso ng Tubig

Anekdota ng Aking Pag-ibig