For Him

Nagsimula tayo bilang magkaibigan
Simpleng chat ang napagkaabalahan
Araw, gabi nating napag-uusapan
Mga bagay na walang kabuluhan.

Nagkakahiyaan pa noong simula
Hanggang ngiti nga lang sa isa't-isa
Walang masabi sa personal
Pero sa chat ay napakadaldal.

Sinong mag-aakalang magiging ganito tayo
Kung noo'y ni hindi tayo nagpapansinan
Sinong mag-aakalang aabot tayo sa ganito
Kung noo'y wala namang pakialamanan.

Kaibigan lang naman kasi talaga noong una
Ngunit lumalim itong aking nadarama
Ewan ko kung bakit, kailan, paano, saan
Basta't isang araw, puso ko'y ikaw na ang laman.

Wala naman kasi sa plano ko
Ang mahulog nang ganito
Pero ngayong nandito na tayo
Ito ang aking maipapangako:

Lumipas man ang panahon
Pag-ibig ko'y di magbabago
Ano mang pagsubok, haharapin ko
Ikaw at ako, hanggang sa dulo.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Monologo ni Sisa

Isang Baso ng Tubig

Anekdota ng Aking Pag-ibig