For Ate Thea

Ate, bakit kasi napakaganda mo?
Napakabait mo rin at talentado
Wala pa akong nakitang tulad mo
Kaya nga ikaw ay aking iniidolo.

Ate, bakit kasi napaka-famous mo?
Natakot tuloy akong lumapit sa'yo
Akala ko talaga noo'y masungit ka
Pero ako pala'y nagkamali ng akala.

Paano na ba nabuo ang ating grupo?
Ah, nasa bahay nila Faye noon tayo
Foursome? Tayo 'yon, hindi ba?
'Yong grupo nating magaganda.

Naisip kong napakaswerte ko
Na naging kaibigan ko kayo.
Kaya noong nagkatampuhan tayo
Hindi ko alam ang gagawin ko.

Ate, patawad sa pagkakamali ko
Pagpasensiyahan mo po
Itong mga pagkukulang ko
Sana po walang magbabago.

Salamat at ika'y naging kaibigan ko
Lumipas man ang mga panahon
Pangako kong walang magbabago
Ate, ika'y labis na minamahal ko.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Monologo ni Sisa

Isang Baso ng Tubig

Anekdota ng Aking Pag-ibig