For Ate Tala

Ate, ba't 'di ka naniniwalang maganda ka?
Eh ang daming lalaking sayo'y nalulula
Ate, bakit ang drama ng buhay mo?
Sabagay, parehas lang naman tayo.

Noong una, akala ko mataray ka
Ngunit tulad kay Ate Thea,
Ako'y nagkamali pala ng akala
Mabait at friendly ka pala.

Paano na ba nabuo ang ating grupo?
Ah, nasa bahay nila Faye noon tayo
Foursome? Tayo 'yon, hindi ba?
'Yong grupo nating magaganda.

Naisip kong napakaswerte ko
Na naging kaibigan ko kayo
Lalo na ikaw na Forever ko
At itinuturing kong kapatid ko.

Salamat, Ate, sa pagiging kaibigan ko
At sa pakikinig sa mga kadramahan ko
Pasensiya na sa mga pagkukulang ko
Magkakaibigan, tayo sana'y manatiling ganito.

Ika'y labis kong pinahahalagahan
Ilang taon man ang dumaan
Tayo pa rin sana'y magkakaibigan
Ate, salamat. Mahal kita.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Monologo ni Sisa

Isang Baso ng Tubig

Anekdota ng Aking Pag-ibig