For Faye

Ikaw yata ang pinakamadaldal
Sa Foursome man o sa MFHA^2
Ikaw madalas 'yong 'di nakapagtitimpi
Kaya ang bilis mo ring nahuhuli.

Mabait na, dyosa pa
Ganyan kung ilalarawan kita
Ngunit may itinatago ka rin pala
Kalokohang di alam ng iba.

Noong nagkaroon ka ng nobyo,
Aaminin kong nabigla ako
Kasi nama'y napakainosente mo
Parang di mo kayang magloko.

Hindi ka madaling mapaiyak
Kahit pa ika'y malakas na itulak
Kaya nang nag-away tayo't iniyakan mo ako,
Napatunayan kong mahalaga ako sa'yo.

Marami akong pagkukulang sa'yo, alam ko
Mga ito sana'y pagpasensiyahan mo
Sorry, bes, sa mga pagkakamali ko
Sana ay walang magbabago.

Salamat at naging kaibigan kita
Pagkakaibiga'y magtagal pa sana
Walang limutan at walang iwanan
Tandaan mo, Bes, mahal kita.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Monologo ni Sisa

Isang Baso ng Tubig

Anekdota ng Aking Pag-ibig