Tunay na Pag-ibig

Mga salitang tila asukal sa tamis

Malalaking ngiti at kilig na labis

Damdaming umaagos nang parang tubig

Dito ba nababatay ang tunay na pag-ibig?


Siksikang daanan sa kitid ating mga utak

Kung sa ideyang ito tayo'y nakahawak

Animo'y mga walang muwang sa mundo

Kung sa mga bagay na ito'y naniniwala tayo.


Tunay na pag-ibig ay nakapagtuturo

Ng mga araling hindi makikita sa libro

Tunay na pag-ibig ay nakapaghihintay

Kahit na umabot pa ng walang hanggan.


Ngunit hindi lamang limitado sa mga ito

Ang pag-ibig na nadarama ng bawat tao

Pag-ibig ay nakapagdadala din ng poot

Na pagdanak ng dugo'y maaaring maging dulot.


Pero sa kabila ng lahat ng mga ito

Ang pag-ibig ay nananatiling isang misteryo

Basta't isa lang ang tanging alam ko

Tunay na pag-ibig ay mahirap mahanap.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Monologo ni Sisa

Isang Baso ng Tubig

Anekdota ng Aking Pag-ibig