Anekdota ng Aking Pag-ibig
Sa iyong ngiti, ako'y nahumaling
Puso'y nagwawala sa iyong pagpansin
Aking kaibigan, bakit ganito ang damdamin?
Ako'y nahulog na yata sa iyong bawat tingin.
Larawan mong kupas ay aking isinasantabi
Iyong pangala'y laging bigkas sa mga labi
Ika'y panaginip sa bawat malamig na gabi
Hiling ko sana'y mapunta ka sa aking tabi.
Ngunit pagtingi'y mananatili yatang isang lihim
Ako'y magmamasid na lamang sa ilalim ng dilim
Sapagkat sa aking paningi'y wala ng pag-asa
Aking pag-ibig ay di na masusuklian pa.
Lingid sa kaalama'y pareho ang nadarama
Ngunit dahil sa takot, di makaamin sa bawat isa
Hanggang sa damdami'y di na maitago pa
Naku naman! Tayo'y umiibig pala sa isa't isa.
tamaba ito na ang anekdota ay nagiging patula narin?
TumugonBurahin