SANA
Sa konting panahon na ika'y nakilala
Ako'y nabighani't nahulog na
Hindi maipinta ang sayang nadarama
Salamat sa iyo, ako'y masayang-masaya.
Pangarap ko na ika'y makapiling
Ngunit parang habambuhay na lang itong hiling
Hindi ko naman inakala kasing
Makahahanap ka ng mahal mong pang-long-lasting.
Masakit isipin na ika'y taken na
Ngunit ako'y nandito lang kung iiwan ka niya
Baka sakaling ako'y mapansin mo na
At tayo naman ang magsasama.
~Credits to Kuya JB. ☺️
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento