"Ang buhay ay parang gulong. Minsa'y nasa ibabaw, minsa'y nasa ibaba." Ang blog na ito ay nagsisilbing labasan ng aking mga nadarama at opinyon. Hindi ko hinihinging basahin ninyo ang bawat post na nailathala dito. Iyon lamang at maraming salamat.
Preposterousness
Kunin ang link
Facebook
X
Pinterest
Email
Iba Pang App
7:57 PM, 14th of November
Umaandar na naman ang kabaliwan ko. XD
I'm attaching the pictures I'm currently using as my home and lock screen wallpapers.
Ako si Sisa, isang simpleng maybahay. Palagi akong minamaltrato ng aking asawa ngunit wala akong magawa. Mahal ko siya. Hindi ko siya kayang iwanan ngunit natatakot din ako sa kanya. Pero nandiyan naman ang mga anghel ko, sina Crispin at Basilio. Mababait sila at mapagmahal. Bilang isang ina’y maipagmamalaki ko sila! Oo nga pala! Uuwi ngayon mula sa kumbento ang aking mga anghel. Kamusta na kaya sila? Nakababasa na kaya sila? Halos isang linggo ko rin silang hindi nakita. Mabuti pa at ipagluluto ko sila. Naku! Paniguradong gutom na gutom ang mga iyon. Pagkatapos kong maihain ang hapunan, dumating ang aking asawang si Pedro. Kinain niya ang mga ipinagluto ko at wala na naman akong nagawa para pigilan siya. Kaawa-awa naman ang mga anghel ko. Anong gagawin ko? Walang madadatnang pagkain sina Crispin at...
Napakaliwanag ng buwan ngayong gabi. Saktong-sakto sa selebrasyon ng kaarawan ng aking kaibigan. Ipinagpaalam ko naman ito sa aking nanay at siya'y pumayag naman. Pagpatak ng alas syete ng gabi ay handa na ako. Nakasuot ako ng isang simpleng pulang damit at ipinusod ko ang aking buhok. Tiningnan ko ang aking repleksiyon sa salamin at ako'y nakontento naman. Ilang sandali lamang ay narinig ko na ang busina ng sasakyan ng aking kaibigan na siyang susundo sa akin. Tinawag ko ang aking ina upang magpaalam ngunit imbes na hayaan akong umalis ay nagpakuha muna siya ng isang basong tubig. Bumusinang muli ang kotse kaya't tumanggi akong kumuha ng tubig at nagmamadaling lumabas at sinalubong ang aking mga kaibigan. Buong gabi ay nagsaya kami. Kami ay nagsayaw at nagkantahan. Nagpakasaya kami nang parang wala ng bukas. Pagod na pagod ako pagkarating ko sa bahay ng hatinggabi. Nang makapasok ako sa bahay ay dumiretso ako sa silid ng aking ina upang sabihing nakarating ako nang...
Sa iyong ngiti, ako'y nahumaling Puso'y nagwawala sa iyong pagpansin Aking kaibigan, bakit ganito ang damdamin? Ako'y nahulog na yata sa iyong bawat tingin. Larawan mong kupas ay aking isinasantabi Iyong pangala'y laging bigkas sa mga labi Ika'y panaginip sa bawat malamig na gabi Hiling ko sana'y mapunta ka sa aking tabi. Ngunit pagtingi'y mananatili yatang isang lihim Ako'y magmamasid na lamang sa ilalim ng dilim Sapagkat sa aking paningi'y wala ng pag-asa Aking pag-ibig ay di na masusuklian pa. Lingid sa kaalama'y pareho ang nadarama Ngunit dahil sa takot, di makaamin sa bawat isa Hanggang sa damdami'y di na maitago pa Naku naman! Tayo'y umiibig pala sa isa't isa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento