Hiling ng Isang Umiibig
Ikaw at ako, tayo'y nagmamahalan
Ngunit kulang sa ati'y tunay na ngalan
Aking sinta, saan ilulugar ang sarili
Kung sa isa't isa'y hindi pa tayo tali?
Oo, nagseselos ako't nasasaktan
Tuwing ika'y may ibang dinadaluhan
Ika'y nais na pagbawalan
Ngunit ako pala'y walang karapatan.
Gaano kasiguradong ika'y magiging akin
Kung ni pagbati ay di pa maatim bigkasin?
Paano na ang aking pusong umaasa
Kung ika'y napakalayo't di ko na maabot pa?
Mga hinanakit at iba pang damdamin
Akin na lamang kikimkimin.
Ano nga naman ba kasing laban ko
Kung sandata ko'y tanging mga salita mo?
Ano ang aking panghahawakan
Kung ating relasyo'y wala namang ngalan?
Mas mabuti kasi sanang may label tayo
Nang sa ganoo'y 'di ako malito nang ganito.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento