"Ang buhay ay parang gulong. Minsa'y nasa ibabaw, minsa'y nasa ibaba." Ang blog na ito ay nagsisilbing labasan ng aking mga nadarama at opinyon. Hindi ko hinihinging basahin ninyo ang bawat post na nailathala dito. Iyon lamang at maraming salamat.
Random 😏
Kunin ang link
Facebook
X
Pinterest
Email
Iba Pang App
I'm posting this because I want to say hi to Tala and Thea. 😂
Thank you for reading my blog and for bugging me on that particular post which you find intriguing. XD
Loveyou both kahit na ganiyan kayo. Hahaha! Stay being DYOSA. 😘
Ako si Sisa, isang simpleng maybahay. Palagi akong minamaltrato ng aking asawa ngunit wala akong magawa. Mahal ko siya. Hindi ko siya kayang iwanan ngunit natatakot din ako sa kanya. Pero nandiyan naman ang mga anghel ko, sina Crispin at Basilio. Mababait sila at mapagmahal. Bilang isang ina’y maipagmamalaki ko sila! Oo nga pala! Uuwi ngayon mula sa kumbento ang aking mga anghel. Kamusta na kaya sila? Nakababasa na kaya sila? Halos isang linggo ko rin silang hindi nakita. Mabuti pa at ipagluluto ko sila. Naku! Paniguradong gutom na gutom ang mga iyon. Pagkatapos kong maihain ang hapunan, dumating ang aking asawang si Pedro. Kinain niya ang mga ipinagluto ko at wala na naman akong nagawa para pigilan siya. Kaawa-awa naman ang mga anghel ko. Anong gagawin ko? Walang madadatnang pagkain sina Crispin at...
You, you started to drift away And I tried to keep you at bay But you started to leave anyway And I couldn’t make you stay. You were my partner in crime But it seems we ran out of time Best of friends, they called us But now, there’s not even an “us.” My world has turned upside down When you made me feel we’re done I was too dumbstruck, I began to cry And I couldn’t think of a reason why These I ask you, my dear friend Why have we come to an end And turned out to be strangers When we’ve ran on many dangers? Was it something I had done? Or was it a thing I hadn’t done? Was it something I had or hadn’t said? Please, answer the questions in my head. I know that it’s probably too late And you started to develop hate But if I’ll be favored by fortune and luck Will we be able to bring everything back?
Oo, gustong-gusto kita Pero sandali lang Puso ko’y kontra yata Ayaw yatang maniwala Di lang daw gusto, sabi niya Ito raw ay mas malalim pa Ngunit kay bilis, hindi ba? Parang ang imposible Hindi kapani-paniwala Mga kataga’y kaduda-duda Pero parang tama Maaari, hindi ba? Ito’y may tiyansa Hintay, sandali lang Ako’y gulong-gulo pa Pag-iisipan ko muna Ano nga bang nadarama? Ano nga ba talaga? Heto na, aamin na Ito na nga, oo na Mahal na yata kita Hindi. Sandali, mali Mahal na talaga kita.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento