For Faye
Ikaw yata ang pinakamadaldal Sa Foursome man o sa MFHA^2 Ikaw madalas 'yong 'di nakapagtitimpi Kaya ang bilis mo ring nahuhuli. Mabait na, dyosa pa Ganyan kung ilalarawan kita Ngunit may itinatago ka rin pala Kalokohang di alam ng iba. Noong nagkaroon ka ng nobyo, Aaminin kong nabigla ako Kasi nama'y napakainosente mo Parang di mo kayang magloko. Hindi ka madaling mapaiyak Kahit pa ika'y malakas na itulak Kaya nang nag-away tayo't iniyakan mo ako, Napatunayan kong mahalaga ako sa'yo. Marami akong pagkukulang sa'yo, alam ko Mga ito sana'y pagpasensiyahan mo Sorry, bes, sa mga pagkakamali ko Sana ay walang magbabago. Salamat at naging kaibigan kita Pagkakaibiga'y magtagal pa sana Walang limutan at walang iwanan Tandaan mo, Bes, mahal kita.