Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2016

For Faye

Ikaw yata ang pinakamadaldal Sa Foursome man o sa MFHA^2 Ikaw madalas 'yong 'di nakapagtitimpi Kaya ang bilis mo ring nahuhuli. Mabait na, dyosa pa Ganyan kung ilalarawan kita Ngunit may itinatago ka rin pala Kalokohang di alam ng iba. Noong nagkaroon ka ng nobyo, Aaminin kong nabigla ako Kasi nama'y napakainosente mo Parang di mo kayang magloko. Hindi ka madaling mapaiyak Kahit pa ika'y malakas na itulak Kaya nang nag-away tayo't iniyakan mo ako, Napatunayan kong mahalaga ako sa'yo. Marami akong pagkukulang sa'yo, alam ko Mga ito sana'y pagpasensiyahan mo Sorry, bes, sa mga pagkakamali ko Sana ay walang magbabago. Salamat at naging kaibigan kita Pagkakaibiga'y magtagal pa sana Walang limutan at walang iwanan Tandaan mo, Bes, mahal kita.

For Hannah

Baliw, 'yan tayo 'pag magkasama Kung ano-anong ating nagagawa Wagas tayo kung makatawa At parang wala nang bukas pa. Napakalakas nating magtrip At kahit ano lang ang naiisip Magkasama tayo sa kahit na ano Partners in crime nga talaga tayo. Pinakilala mo ako sa Red Velvet Pinarinig mo sa'kin ang Black Pink Pinasayaw mo ako ng TWICE Pinakita mo sa akin ang NCT. Hindi na lang kita basta kaibigan Best friend? Hindi lang din 'yan. Itinuturing na kitang parang pamilya Sa totoo lang ay parang kapatid na. Salamat sa ating mga alaala Hiling ko'y sana madagdagan pa Hindi naman imposible, 'di ba? Sapagkat tayo' magtatagal pa. Bes, wala sanang makakalimot Kahit mawalay tayo sa isa't-isa Ito'y pakatatandaan mo sana Ika'y 'di nag-iisa at minamahal kita.

For Ate Tala

Ate, ba't 'di ka naniniwalang maganda ka? Eh ang daming lalaking sayo'y nalulula Ate, bakit ang drama ng buhay mo? Sabagay, parehas lang naman tayo. Noong una, akala ko mataray ka Ngunit tulad kay Ate Thea, Ako'y nagkamali pala ng akala Mabait at friendly ka pala. Paano na ba nabuo ang ating grupo? Ah, nasa bahay nila Faye noon tayo Foursome? Tayo 'yon, hindi ba? 'Yong grupo nating magaganda. Naisip kong napakaswerte ko Na naging kaibigan ko kayo Lalo na ikaw na Forever ko At itinuturing kong kapatid ko. Salamat, Ate, sa pagiging kaibigan ko At sa pakikinig sa mga kadramahan ko Pasensiya na sa mga pagkukulang ko Magkakaibigan, tayo sana'y manatiling ganito. Ika'y labis kong pinahahalagahan Ilang taon man ang dumaan Tayo pa rin sana'y magkakaibigan Ate, salamat. Mahal kita.

For Ate Thea

Ate, bakit kasi napakaganda mo? Napakabait mo rin at talentado Wala pa akong nakitang tulad mo Kaya nga ikaw ay aking iniidolo. Ate, bakit kasi napaka-famous mo? Natakot tuloy akong lumapit sa'yo Akala ko talaga noo'y masungit ka Pero ako pala'y nagkamali ng akala. Paano na ba nabuo ang ating grupo? Ah, nasa bahay nila Faye noon tayo Foursome? Tayo 'yon, hindi ba? 'Yong grupo nating magaganda. Naisip kong napakaswerte ko Na naging kaibigan ko kayo. Kaya noong nagkatampuhan tayo Hindi ko alam ang gagawin ko. Ate, patawad sa pagkakamali ko Pagpasensiyahan mo po Itong mga pagkukulang ko Sana po walang magbabago. Salamat at ika'y naging kaibigan ko Lumipas man ang mga panahon Pangako kong walang magbabago Ate, ika'y labis na minamahal ko.

For Him

Nagsimula tayo bilang magkaibigan Simpleng chat ang napagkaabalahan Araw, gabi nating napag-uusapan Mga bagay na walang kabuluhan. Nagkakahiyaan pa noong simula Hanggang ngiti nga lang sa isa't-isa Walang masabi sa personal Pero sa chat ay napakadaldal. Sinong mag-aakalang magiging ganito tayo Kung noo'y ni hindi tayo nagpapansinan Sinong mag-aakalang aabot tayo sa ganito Kung noo'y wala namang pakialamanan. Kaibigan lang naman kasi talaga noong una Ngunit lumalim itong aking nadarama Ewan ko kung bakit, kailan, paano, saan Basta't isang araw, puso ko'y ikaw na ang laman. Wala naman kasi sa plano ko Ang mahulog nang ganito Pero ngayong nandito na tayo Ito ang aking maipapangako: Lumipas man ang panahon Pag-ibig ko'y di magbabago Ano mang pagsubok, haharapin ko Ikaw at ako, hanggang sa dulo.

Tunay na Pag-ibig

Mga salitang tila asukal sa tamis Malalaking ngiti at kilig na labis Damdaming umaagos nang parang tubig Dito ba nababatay ang tunay na pag-ibig? Siksikang daanan sa kitid ating mga utak Kung sa ideyang ito tayo'y nakahawak Animo'y mga walang muwang sa mundo Kung sa mga bagay na ito'y naniniwala tayo. Tunay na pag-ibig ay nakapagtuturo Ng mga araling hindi makikita sa libro Tunay na pag-ibig ay nakapaghihintay Kahit na umabot pa ng walang hanggan. Ngunit hindi lamang limitado sa mga ito Ang pag-ibig na nadarama ng bawat tao Pag-ibig ay nakapagdadala din ng poot Na pagdanak ng dugo'y maaaring maging dulot. Pero sa kabila ng lahat ng mga ito Ang pag-ibig ay nananatiling isang misteryo Basta't isa lang ang tanging alam ko Tunay na pag-ibig ay mahirap mahanap.

Isang Baso ng Tubig

Napakaliwanag ng buwan ngayong gabi. Saktong-sakto sa selebrasyon ng kaarawan ng aking kaibigan. Ipinagpaalam ko naman ito sa aking nanay at siya'y pumayag naman. Pagpatak ng alas syete ng gabi ay handa na ako. Nakasuot ako ng isang simpleng pulang damit at ipinusod ko ang aking buhok. Tiningnan ko ang aking repleksiyon sa salamin at ako'y nakontento naman. Ilang sandali lamang ay narinig ko na ang busina ng sasakyan ng aking kaibigan na siyang susundo sa akin. Tinawag ko ang aking ina upang magpaalam ngunit imbes na hayaan akong umalis ay nagpakuha muna siya ng isang basong tubig. Bumusinang muli ang kotse kaya't tumanggi akong kumuha ng tubig at nagmamadaling lumabas at sinalubong ang aking mga kaibigan. Buong gabi ay nagsaya kami. Kami ay nagsayaw at nagkantahan. Nagpakasaya kami nang parang wala ng bukas. Pagod na pagod ako pagkarating ko sa bahay ng hatinggabi. Nang makapasok ako sa bahay ay dumiretso ako sa silid ng aking ina upang sabihing nakarating ako nang

Fate's Play

She deciphered she ought not to For it'll mess how things usually do But her heart's too in love to care That she just chose to stay there. She fell in love with her best friend Forefelt it'll be them 'til the end She felt secured wrapped in his hug Never will she leave even with a tug. But fate seems to be playing at them Trials and sufferings are at hem Sacrifices are about to be made And no one is to give them an aid. The lovers will be on their own Trust is what they have to hone Only then can they be truly free Of destiny's wrathful adversity. She knew she has to have faith in him And things won't be as hard as they seem He knew he shouldn't let go of her hand And together they will triumphantly land.

A Lover's Plea

Hey, boy, I really miss you Do you even miss me too? I've always been thinking of you Do I cross your mind too? Been guessing where you were Wondering if you're alright there Been thinking of who you're with Asking if they treat you not in filth. Have you drank enough water? I beseech you to do eat for later Be careful on your every shift And don't be too reckless to lift. Oh, love, you're driving me crazy Like a mother who lost her baby Please come home now, sweetie Don't make me be worried dearly.

Hiling ng Isang Umiibig

Ikaw at ako, tayo'y nagmamahalan Ngunit kulang sa ati'y tunay na ngalan Aking sinta, saan ilulugar ang sarili Kung sa isa't isa'y hindi pa tayo tali? Oo, nagseselos ako't nasasaktan Tuwing ika'y may ibang dinadaluhan Ika'y nais na pagbawalan Ngunit ako pala'y walang karapatan. Gaano kasiguradong ika'y magiging akin Kung ni pagbati ay di pa maatim bigkasin? Paano na ang aking pusong umaasa Kung ika'y napakalayo't di ko na maabot pa? Mga hinanakit at iba pang damdamin Akin na lamang kikimkimin. Ano nga naman ba kasing laban ko Kung sandata ko'y tanging mga salita mo? Ano ang aking panghahawakan Kung ating relasyo'y wala namang ngalan? Mas mabuti kasi sanang may label tayo Nang sa ganoo'y 'di ako malito nang ganito.

Teen Queen (Inspired by Kathryn Bernardo)

Such a beautiful smile Catchy even in a mile. Tamest and prettiest face I've ever seen in this place. That soothing angelic voice Often sought by boys. Almost a perfect body Overwhelmed by nobody. A perfect complexion of skin And a lady who's very keen. To the top she had been Yet never bragging in. Our icon never changed Still the same kindhearted kid. Adored by every teen Renowned as our young QUEEN.

Love

I'm standing alone With no one to lean on. No one cares about me For being docile, I'll never be. Then, you came into my life Ripped my defiance like a knife You changed my personality And helped me be a better me. It feels like heaven  When we're together Now that we hold hands, Everything seemed perfect. Fireworks crumbling inside Feeling good side by side Just then I realized, This is what they call LOVE.

Anekdota ng Aking Pag-ibig

Sa iyong ngiti, ako'y nahumaling Puso'y nagwawala sa iyong pagpansin Aking kaibigan, bakit ganito ang damdamin? Ako'y nahulog na yata sa iyong bawat tingin. Larawan mong kupas ay aking isinasantabi Iyong pangala'y laging bigkas sa mga labi Ika'y panaginip sa bawat malamig na gabi Hiling ko sana'y mapunta ka sa aking tabi. Ngunit pagtingi'y mananatili yatang isang lihim Ako'y magmamasid na lamang sa ilalim ng dilim Sapagkat sa aking paningi'y wala ng pag-asa Aking pag-ibig ay di na masusuklian pa. Lingid sa kaalama'y pareho ang nadarama Ngunit dahil sa takot, di makaamin sa bawat isa Hanggang sa damdami'y di na maitago pa Naku naman! Tayo'y umiibig pala sa isa't isa.

Cee's Advice #1

People come and go. Sa buhay natin, may mga taong darating at bigla ring aalis. Yung mga tipong sasanayin kang palagi lang silang nandiyan pero in the end, maglalaho na lang sila nang parang bula. But there are times na may darating at hindi na umaalis. It's rare but it happens.  Either way, you get something from those kinds of people. Dun sa umalis, nag-iwan siya sayo ng isang lesson, be it in love, friendship or life. Dun sa nanatili, you gained a friend worth keeping for the rest of your life.

untitled~

You made it clear the first time. I was okay with that. But something unexpected happened. No, I haven't fallen yet but I think I am nearly there. Or maybe you were the reason I fell out of him, I mean the other one. You're so nice. You always make me smile. You always make me laugh. I accidentally found those missing pieces in you. And it was too soon, too soon that it would look ridiculous. I'd lie if I say that I wasn't wishing for you to see me the way I look at you.

#Halalan2016

Kinakabahan ako pero at the same time ay excited because change is about to come. To the voters, sana po inisip niyong mabuti kung sino ang iboboto niyo. Ayaw pa nating sa huli ay masabi nating, "Sana hindi na lang siya ang ibinoto ko. Nagkamali ako ng desisyon." Choose wisely. Vote wisely. May God bless the Philippines.

Throttled

You ever experienced being choked? Well, not literally, at least. See, I have this suitor. I consider him a suitor now. We exchange "iloveyou's" because why wouldn't we? I mean he says he's in love with me and I guess I am too. But you see, sometimes, parang nacoconfuse pa rin ako. Hindi ko alam kung anong meron sa akin. Palagi kong hindi naiintindihan ang sarili ko. There comes to a point na parang wala na akong mafeel towards sa kanya pero after ng ilang days na pagmumuni-muni eh mapagtatanto kong, hindi ko kayang wala siya. Sht this is so corny. Pero one thing talaga is parang he controls me. Again, not literally or totally but sort of. He has my FB password and I have his too but he opens mine more often than I open his. One thing I hate is that he reads my conversations with the people around me. Syempre maraming nagchachat sa akin, especially boys. And he gets jealous so we've had an agreement: he'll avoid girls and I'll avoid boys. That's pr

SANA

Sa konting panahon na ika'y nakilala Ako'y nabighani't nahulog na Hindi maipinta ang sayang nadarama Salamat sa iyo, ako'y masayang-masaya. Pangarap ko na ika'y makapiling Ngunit parang habambuhay na lang itong hiling Hindi ko naman inakala kasing Makahahanap ka ng mahal mong pang-long-lasting. Masakit isipin na ika'y taken na Ngunit ako'y nandito lang kung iiwan ka niya Baka sakaling ako'y mapansin mo na At tayo naman ang magsasama. ~Credits to Kuya JB. ☺️

SANGGIR!

Sipupuso nga Agserbi iti Napudno para iti Gin-awa a Gun-oden ken Ipaaymi a Rang-ay kadakayo.

Ano na?

Nagpaparamdam ka ba? O ako lang itong nagbibigay malisya? Nagpapahiwatig ka ba? O ako lang itong nag-a-assume? Meron ba? O ako lang itong umaasa? Simpleng text lang, oo. Pero masisisi mo ba ako? Gusto kita eh. Pero may gusto kang iba. At eto naman ako, nagpapakatanga.

Best Book Series Ever

I really love books especially series. I love the feeling that there's still a continuation of a finished one that's why I'm making a list of the book series I personally like. 1. Harry Potter Series —Of course! Who wouldn't love the magical world of Hogwarts? This is one of the best-selling book series of all time. It follows the adventures of Harry and his friends towards the fall of his archenemy, Voldemort. 2. The Selection Series —If you're into romance or love story then this is for you! This series follows the path of America Singer as she makes her way towards the heart of Prince Maxon and the crown. This is one heck of a book. 3. Percy Jackson Series —Yep! The Greek Gods are true! Follow the quests undertaken by Percy through this awesome series. Here, you'll be able to exercise your imaginations as you try to visualize how Percy defeats the old monsters. 4. The Heroes of Olympus Series —Percy's back! Together with new friends and a more dangerous e

Happy Christmas! 🎄😘

Happy Christmas, everyone!  May God continue to shower us with countless blessings. Lovelots! :*